jesus image

Sino Si Jesus para sa iyo?

Sino si Jesus ng Nasaret para sa iyo? Ang iyong buhay sa mundong ito at sa kawalang hanggan ay nakasalalay sa iyong sagot sa tanong na ito.

dove

Sino sa inyong palagay. . .

  • Pinakadakilang tao sa  lahat ng panahon?

  • Ang pinakadakilang lider?

  • Ang pinakadakilang guro?

  • Ang nakagawa nang pinakamabuti para sa sangkatauhan?

  • Sino ang namuhay nang pinakabanal?

Magpunta ka saan mang dako ng daigdig ngayon at tanungin ang sinuman tungkol sa relihiyon. Gaano man ang kanilang katapatan sa relihiyon, kung nalalaman nila ang kasaysayan, aaminin nilang walang katulad si Jesus. Siya ang pinakabukod-tanging tao na nabuhay.

Binago ni Jesus ang kasaysayan. Maging ang petsa ng pang-umagang pahayagan ay nagpapatunay na si Jesus ay nabuhay  may 2,000 taon na ang nakalilipas. Ang B.C. ay nangangahulugan ng "Bago isilang si Cristo"; A.D. Anno Domino "ang panahon ng ating Panginoon".

HINULAAN ANG KANIYANG PAGDATING

Nalalaman kong ilang daang taon bago ipanganak si Jesus, natala sa Kasulatan ang hula ng mga propeta ng Israel tungkol sa Kanyang pagsilang. Ang Lumang Tipan, na nasulat sa loob ng 1,500 taon, ay naglalaman ng 200 mga hula tungkol sa Kanyang pagsilang. Lahat ng ito ay natupad, katulad ng Kanyang mahimalang pagsilang, buhay na walang kasalanan, ang mga ginawa Niyang himala, ang Kanyang pagkamatay at pagkabuhay na muli.

Ang buhay ni Jesus, ang mga himalang ginawa Niya, mga salitang Kanyang winika,   kamatayan sa krus, pagkabuhay na muli, pag-akyat sa langit - ang lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi lamang Siya pangkaraniwan. Sinabi ni Jesus, "Ako at ang Ama ay iisa"(Juan 10:30). "Sinumang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama" (Juan 14:9), at "Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay; walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." (Juan 14:6)

ANG KANIYANG BUHAY AT MENSAHE AY LUMIKHA NG PAGBABAGO

Pansinin ang buhay at impluwensiya ni Jesus sa buong kasaysayan at makikita mo na Siya at ang Kanyang mensahe ay laging nagbabago sa buhay ng mga tao at mga bansa. Saan man makarating ang mensahe ng Kanyang mga turo at impluwensiya, natutugunan ang mga ito: ang kabanalan ng5000 kasal, ang karapatan ng mga kababaihan sa lipunan; mga pamantasan; mga batas para sa pangangalaga sa mga bata. Naaalis ang pang-aalipin at maraming mga pagbabago ang nagaganap para sa kabutihan ng sanlibutan. Nababago din ang buhay. Halimbawa, si G. Lew Wallace, tanyag na heneral at matalino, at hindi naniniwala sa Dios, sa loob ng 2 taon, humanap siya ng mga katibayan sa mga pangunahing aklatan sa Europa at Amerika upang wasakin ang Kristiyanismo. Habang sinusulat niya ang ikalawang kabanata ng isang aklat, nasumpungan na lamang niya ang sarili nang nakaluhod at tumatawag kay Jesus "Panginoon ko at Dios ko."

Dahilan sa di mapag-aalinlanganang katunayan, di na niya maikaila na si Jesu-Cristo ang Anak ng Dios. Di nagtagal, isinulat niya ang aklat na may pamagat Ben Hur, isa sa mga pinakadakilang nobelang nasulat tungkol sa panahon ni Cristo.

Tulad din ni C.S. Lewis, propesor sa Oxford University hindi rin siya naniniwala sa pagka-Dios ni Cristo sa loob ng maraming taon. Ngunit siya rin ay kumilala kay Jesus bilang Dios at Tagapagligtas matapos pag-aralan ang  katibayan ng Kanyang pagka-Dios.

PANGINOON, SINUNGALING, O SIRA ANG ULO?

Sa kanyang tanyag na aklat, Mere Christianity, sinabi ni Lewis, "Ang isang taong nagwika ng tulad ng mga winika ni Jesus ay hindi maaring maging isaing dakilang guro. Maaari siyang nasisiraan ng ulo o siya diablo mula sa impiyerno. Kailangan mong pumili.   Siya nga ang Anak ng Dios o kaya'y isang nasisiraan ng bait. Maaari mo siyang tawaging luko-luko o kaya'y kilalanin Siyang Panginoon at Dios. Ngunit huwag tayong humanga lamang sa Kanyang pagiging mahusay na guro. Hindi gayon ang  nais Niya para sa atin.

Sino si Jesus para sa iyo?  Nakasalalay sa iyong katugunan sa tanong na ito ang iyong buhay dito sa sanlibutan at sa walang hanggan.

Lahat ng ibang relihiyon ay itinatag ng tao ay nakabatay sa mga pilosopiyang gawa ng tao, mga batas at tuntunin ng pag-uugali. Alisin mo ang mga taong ito sa mga disiplina at ayos ng pagsamba at kakaunti ang mababago. Ngunit kapag inalis mo si Jesu-Cristo sa Cristiano at mawawalan na ito ng halaga. Ang Cristianisno mula sa Biblia ay hindi lamang isang pilosopiya o isang panuntunan ng pamumuhay o pagsunod sa mga ritwal. Ang tunay na Cristianismo ay nakabatay sa personal na relasyon sa isang buhey na Tagapagligtas at Panginoon.

ISANG NAGTATAG NA MULING NABUHAY

Si Jesus na taga-Nasaret ay ipinako sa krus, nalibing sa isang hiram na libingan, at muling nabuhay makalipas ang tatlong araw. Bukod-tangi ang Kristiyanismo sa bagay na ito. Ang anumang pagtatalo tungkol sa Kristiyanismo ay nababatay sa katotohanang muling pagkabuhay ni Jesus ng Nasaret.

Sa mga taong nakalipas, karamihan sa mga matatalinong pag-aaral tungkol sa katibayan ng muling pagkabuhay, ay nakakilala, at patuloy na kumikilala, na si Jesus ay buhay. Matapos ang pagsusuri tungkol sa muling pagkabuhay na ipinahayag ng mga sumulat ng Ebanghelyo, si Sinom Greenleaf, isang dalubhasa sa mga bagay na tungkol sa Harvard Law School, ay nagsabing, "Imposibleng ipagpilitan nila ang katotohanan ng kanilang ipinahayag kung hindi nga nabuhay na muli si Jesus at kung hindi nga sila sigurado sa katotohanang ito."

Nagwika si John Singleton Copley, kinikilalang isa sa mga mahusay sa batas sa Britanya," Nalalaman ko ang ibig sabihin ng katibayan; at sinasabi ko, na hindi pa napasusubalian ang katibayan ng pagkabuhay na muli".

BAKIT DAPAT PANIWALAAN

Ang  pangunahing pagkabuhay na muli sa pananampalataya ng isang Kristiyano. May ilang dahilan kung bakit napatunayan nang mga nag-aral ng pagkabuhay na mag-uli na ito ay totoo.

boatANG HULA:  Una, si Jesus mismo ang humula tungkol sa Kanyang pagkamatay at pagkabuhay na muli - at ang Kanyang pagkamatay ay nangyari nga tulad ng Kanyang ipinahayag (basahin ang Lucas 18: 31-33).

ANG LIBINGANG WALANG LAMAN: Ikalawa, ang pagkabuhay na muli lamang ang  kapani-paniwalang paliwanag tungkol sa libingang walang laman. Mapapansin sa maingat na pagbabasa ng Biblia na ang libingan ni Jesus ay mahigpit na binantayan ng mga sundalong Romano at tinakpan ng isang malaking bato. Kung totoong hindi naman namatay si Jesus tulad ng paniniwala ng iba, kundi nanghina lamang, hindi pa rin Siya makatatakas. Kahit na ang maaaring pagtatangka ng Kanyang mga alagad. Hindi maaaring kunin ng mga kaaway ni Jesus ang Kanyang bangkay dahil  magpapatunay ng Kanyang muling pagkabuhay ang pagkawala nito.

PAGPAPAKITA: Ikatlo, ang muling pagkabuhay ang tanging makapagpapaliwanag sa pagpapakitang ginawa ni Jesus sa Kaniyang mga alagad. Pagkatapos ng muling pagkabuhay, nagpakita ng halos sampung beses si Jesus sa mga nakakilala sa Kanya at sa mahigit 500 katao. Pinatunayan ng Panginoon na ang mga pagpapakitang ito ay hindi guni-guni: kumain at nakipag-usap Siya sa kanila at nahipo nila Siya.

ANG PAGSILANG NG IGLESIA: Ika-apat, ang muling pagkabuhay ang tanging paliwanag para sa pagsilang ng Iglesiang Kristiyano. Ito ang pinakamalaking kapulungan sa kasaysayan ng mundo. Mahigit sa kalahati ng mga sermon ay nauukol sa muling pagkabuhay (Mga Gawa 2: 14-36). Maliwanag na nalalaman ng iglesia ang batayan ng kanyang mensahe. Madali itong mapipigilan ng mga kaaway ni Jesus o ng Kanyang mga alagad sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng bangkay ni Jesus.

MGA NABAGONG BUHAY: Ikalima, ang muling pagkabuhay ang tanging makatuwirang paliwanag para sa mga nabagong buhay ng Kaniyang mga alagad.

Tinalikuran nila Siya; nanlumo sila at nangatakot sa Kanyang kamatayan.  Hindi nila inasahan na muling mabubuhay si Jesus mula sa patay (Lucas 24:1-11).

Nguni’t matapos na Siya'y muling nabuhay nabago ang buhay ng mga lalaki't babaeng ito ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Cristo. Sa Kanyang Pangalan, nabago ang buhay ng mga tao. Marami ang namatay dahil sa kanilang pananampalataya. Ang iba naman ay inusig. Walang halaga ang kanilang katapangan, maliban sa kanilang pananampalataya na si Jesus ay muling nabuhay- isang katotohanang maaari mong ipaglaban.

Sa 40 taon ng pakikipag-ugnay ko sa mga matatalino, hindi pa ako nakakatagpo ng isang matapat na pinag-aralan ang katibayan ng pagka-Dios at muling pagkabuhay ni Jesus at isang hindi kumilala na Siya ang Anak ng Dios, ang ipinangakong Mesias.  Bagama't hindi naniniwala ang ilan, matapat sila sa pagsasabi na, "hindi ko pa pinag-aaralan ang Biblia.  Maging ang mga katotohanan patungkol kay Jesus" nagsasabing, "Hindi ako nagkaroon ng panahong magbasa ng Biblia o isaalang-alang ang makasaysayang mga katotohanan tungkol kay Jesus."

 

jesusandgirlISANG BUHAY NA PANGINOON: Dahil sa muling pagkabuhay ni Jesus, hindi lamang tinitingnan ng kanyang mga tunay na tagasunod ang mga tuntunin tungkol sa isang namatay na tagapagtatag, kundi mayroon silang masigla at personal na kaugnayan sa buhay na Panginoon. Nabubuhay si Jesu-Cristo at pinagpapala Niya ang buhay ng mga nagtitiwala at sumusunod sa Kanya. Sa loob ng maraming taon, napakarami na ang kumilala kay Jesus kasama dito ang mga taong nakaimpluwensiya sa mundo.

Nagpahayag si Blaise Pascual ng pangangailangan kay Jesus nang kaniyang sabihin, "May puwang sa puso ng bawa't tao na ang Dios lamang ang makapupuno sa pamamagitan ng Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo."

Nais mo bang makilala si Jesu-Cristo bilang sariling Tagapagligtas?  Maaari itong mangyari sa iyo.  Nagnanais si Jesus na magkaroon ng personal at mapagmahal na kaugnayan sa iyo na ginawa na Niya ang lahat ng mga dapat ayusin.

Upang malaman kung paano magsisimula sa kaugnayang ito kay Cristo, sundin ito...

KARAGDAGANG IMPORMASYON...