Ngayong tinanggap mo na si Cristo. . .
Paano Malalaman Na Si Cristo'y Nasa Iyong Buhay
Tinanggap mo ba si Cristo sa iyong buhay? Sang-ayon sa Kanyang pangako sa Pahayag 3:20, nasaan na si Cristo ngayon? Sinabi ni Cristo na papasok sa iyong buhay. Magsisinungaling ba Siya sa iyo? Paano mo nalaman na sinagot ng Dios ang iyong panalangin? (Ang katapatan ng Dios at ng Kanyang Salita ang katunayan. Tinutupad ng Dios ang Kanyang mga pangako).
Ipinapangako ng Biblia ang Buhay na Walang Hanggan sa Lahat ng Tatanggap kay Cristo
"Ito ang patotoo: binigyan tayo ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kanyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay. Isinulat ko ito sa inyong mga mananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios upang malaman ninyong kayo'y may buhay na walang hanggan" (I Juan 5:11-13 NPV).
Pasalamatan mong lagi ang Dios na si Cristo'y nasa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan (Hebreo 13:5). Malalaman mo sa pamamagitan ng Kanyang pangako na si Cristo'y nananahan sa iyo at ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa iyong buhay. Hindi ka Niya dadayain.
Isang mahalagang paalala...
HUWAG UMASA SA PAKIRAMDAM
Ang pangako ng Salita ng Dios at hindi ang ating pakiramdam ang ating batayan. Ang Cristiano ay nabubuhay sa pananampalataya (pagtitiwala) sa Dios at sa Kanyang Salita. Ang trak ay naglalarawan ng kaugnayan ng katotohanan (Dios at ang Kanyang Salita), pananampalataya (ang ating pagtitiwala sa Kanya at sa Biblia) at pakiramdam (ang bunga ng ating pagtitiwala at pagsunod) (Juan 14:21).
Ang trak ay tatakbo kahit wala ang treyler. Subali't ito'y hindi maaaring tumakbo kung treyler ang hihila. Katulad din nito, ang isang Cristiano na hindi umaasa sa pakiramdam o emosyon, kundi ang pagtitiwala niya ay sa Dios at sa mga pangako ng Kanyang Salita.
NGAYONG TINANGGAP MO NA SI CRISTO
Sa sandaling tinanggap mo si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maraming bagay ang nangyari, kasama ang mga sumusunod:
-
Si Cristo ay pumasok sa iyong buhay (Pahayag 3:20 at Colosas 1:27).
-
Pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas 1:14; 2:13).
-
Ikaw ay naging anak ng Dios (Juan 1:12).
-
Ikaw ay nagkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 5:24).
-
Nagsimula ka nang mamuhay sang-ayon sa kalooban ng Dios (Juan 10:10; II Corinto 5:17 at I Tesalonica 5:18).
Mayroon pa bang ibang bagay na hihigit pa kaysa pagtanggap kay Cristo? Nais mo bang pasalamatan ang Dios ngayon din dahil sa ginawa Niya sa iyo? Sa pagpapasalamat mo sa Dios, pinatutunayan mo ang iyong pananampalataya.
MGA MUNGKAHI SA PAGLAGO SA BUHAY CRISTIANO
Ang paglago sa buhay Cristiano ay bunga ng pagtitiwala kay Cristo. "Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya" (Galacia 3:11 NPV). Ang buhay na may pananampalataya ay makatutulong sa iyo upang patuloy na ipagkatiwala sa Dios ang bawa't bahagi ng iyong buhay at upang gawin ang mga sumusunod:
-
Manalangin sa Dios araw-araw (Juan 15:7).
-
Basahin ang Biblia araw-araw (Gawa 17:11) -- magsimula sa ebanghelyo ni Juan.
-
Sundin ang Dios tuwina (Juan 14:21).
-
Magpatotoo para kay Cristo sa pamamagitan ng iyong buhay at salita (Mateo 4:19; Juan 15:8).
-
Ipagkatiwala ang bawa't bahagi ng iyong buhay sa Dios (I Pedro 5:7).
-
Magpasakop sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Galacia 5:16,17; Gawa 1:8).
MAHALAGA ANG PAGDALO SA PAGTITIPON NG MGA MANANAMPALATAYA
Sa Hebreo 10:25, sinasabihan tayo na "huwag nating pababayaan ang pagkakatipon..." (NPV). Maningas ang apoy pagtabi-tabi ang maraming kahoy; ihiwalay mo ang isa at mamamatay ang dingas nito. Gayon din naman ang kaugnayan mo sa ibang mga mananampalataya. Kung hindi ka pa kaanib ng isang sambahan, huwag mong hintaying anyayahan ka pa. Magkusa kang dumalo sa isang sambahang si Cristo ang sinasamba at ang Salita ng Dios ang ipinangangaral. Simulan sa darating na Linggo ang palagiang pagdalo.
MGA BABASAHING MAKATUTULONG SA PAGLAGO SA BUHAY CRISTIANO
Isang sunod-sunod na pag-aaral ng Biblia at marami pang mga babasahin ang ipinamamahagi. Para sa karagdagang kaalamam, sumulat sa: Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila 1099, Philippines.
KUNG NAKATULONG SA IYO ANG MUNTING AKLAT NA ITO IBAHAGI SA ISANG KAIBIGAN O KAKILALA.
May mga 1.5 bilyong kopya ng Apat na Tuntuning Espirituwal ang nalimbag na at ninanais ng Campus Crusade for Christ na ang mensahe nito ay maipamahagi sa karamihan. Dahil dito, ang aklat na ito ay maaaring gamitin ninuman o ng alinmang samahan nais itong gamitin. Ang bahagi sa ibaba ay para sa layuning iyon.
Upang mapanatili at mapangalagaan ang nilalaman ng libritong ito, anumang bahagi ay hindi maaaring ipalimbag sa anumang kaayusan na walang pahintulot mula sa Philippine Campus Crusade for Christ, P.O. Box 458, Manila 1099.