jesus image

Narinig Mo Na Ba Ang Apat na Tuntuning Espirituwal?

Sino si Jesus ng Nasaret para sa iyo? Ang iyong buhay sa mundong ito at sa kawalang hanggan ay nakasalalay sa iyong sagot sa tanong na ito.

1. 1. UNANG TUNTUNININIIBIG KA  NG DIOS AT SIYA'Y MAY MAGANDANG PLANO SA IYONG BUHAY.

(Hangga't maari, ang mga talatang binabanggit sa libritong ito ay dapat basahin sa kanilang kabuuan mula sa Biblia.)

Ang Pag-ibig ng Dios

"Sapagka't gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan,  ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sa Kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
( Juan 3:16 NPV).

Ang Plano ng Dios

(Si Cristo ang nagsasalita) "... naparito Ako upang  magkaroon sila ng buhay at na kasaganaan nito" (Juan 10:10 NPV)

Bakit ang karamihan ay hindi nakararanas ng masaganang buhay?
Sapagka't...

 

2. IKALAWANG TUNTUNIN

ANG TAO AY MAKASALANAN AT NAHIWALAY SA DIOS, KAYA'T HINDI NIYA MAAARING MALAMAN AT MATANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIOS SA KANYANG BUHAY.

Ang Tao ay Makasalanan

"Pagkat lahat ay nangkadala at hindi sa kaluwalhatian ng Dios" (Roma 3:23 NPV)

Ang tao ay nilikha upang makasama ng Dios, subali't ayaw niyang pasakop sa Dios. Humiwalay siya ng daan, na ikinasira ng pakikisama niya sa Dios. Ang katigasang ito ng tao na nakikilala sa tahasang pagsuway o pagwawalang bahala ay nagpapatunay sa tinatawag ng Bibliya na kasalanan.

Nahiwalay ang Tao sa Dios

"Pagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (espirituwal na pagkahiwalay sa Dios) (Roma 6:23 NPV)

law2.gif (2938 bytes)

Inilalarawan dito na banal ang Dios at makasalanan ang tao, at sila ay magkahiwalay. Patuloy na nagsisikap ang tao na maabot ang Dios at ang masaganang buhay sa pamamagitan ng kanyang sariling paraan, tulad ng mabuting kaugalian, pilosopiya o relihiyon.

Ipinaliliwanag ng ikatlong tuntunin ang tanging paraan upang matugunan ang suliranin ng tao....

3. IKATLONG TUNTUNIN

SI JESU-CRISTO ANG TANGING LUNAS SA KASALANAN NG TAO. SA PAMAMAGITAN NIYA AY MALALAMAN MO ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIOS SA IYONG BUHAY.

Namatay Siya Para sa Atin

"Nguni't ipinakita ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa atin. Noong tayo'y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin" (Roma 5:8, NPV).

Nabuhay Siyang Muli

"Si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan... na Siya'y nalibing at binuhay uli sa ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan; Napakita rin Siya kay Pedro, saka sa labindalawa. Pagkatapos, napakita Siya nang sabay-sabay sa mahigit na limandaang kapatid..." (I Corinto 15:3-6 NPV).

Siya ang Tanging Daan Patungo sa Dios

"Sumagot si Jesus, `Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang makapupunta sa Ama kundi sa  pamamagitan Ko'" (Juan 14:6 NPV).

law3.gif (3126 bytes)

Inilalarawan dito na nilutas ng Dios ang pagkakahiwalay natin sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak na si Jesu-cristo upang mamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan..

Hindi sapat na malaman lamang ang tatlong tuntuning ito...

4.  IKA-APAT NA TUNTUNIN

KINAKAILANGAN NATING TANGGAPIN SI JESU-CRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON; SAKA LAMANG NATIN MALALAMAN AT MARARANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIOS SA ATING BUHAY.

Ang Pangangailangan ng Pagtanggap kay Cristo

"Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Dios, samakatuwid baga'y ang lahat ng sumasampalataya sa Kanyang pangalan" (Juan 1:12 NPV).

Ang Pagtanggap kay Cristo ay sa Pamamagitan ng Pananampalataya

"Sapagkat sa biyaya kayo naligtas, sa pamamagitan ng pananampalataya - at ito'y hindi mula sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios - hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang magmapuri" (Efeso 2:8,9 NPV).

Ang Pagtanggap kay Cristo sa Pamamagitan ng Paanyayang personal

(Si Cristo ang nagsasalita): "Narito, nasa labas Ako ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ng sinuman ang Aking tinig at magbubukas ng pinto, papasok Ako."). (Pahayag 3:20 NPV).

Ang pagtanggap kay Cristo ay nangangailangan ng pagbabalik-loob sa Dios (pagsisisi) at pagtitiwala kay Cristo na papasok sa ating buhay, magpapatawad sa ating mga kasalanan at babaguhin ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban. Ang malaman lamang o sumang-ayon na si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Dios at Siya'y namatay sa krus para sa ating mga kasalanan ay hindi sapat. Hindi rin sapat ang magkaroon lamang ng emosyonal na karanasan. Ang pagtanggap kay Jesu-Cristo ay sa pamamagitan ng pananampalataya, isang kapasiyahan ng kalooban


Ang dalawang larawan ay kumakatawan sa dalawang uri ng buhay:

law4.1.gif (4851 bytes) BUHAY NA PINAGHAHARIAN NG SARILI

Sarili ang nasa trono.

Si Cristo'y nasa labas ng buhay.

Mga hilig at naisin ay pinaghaharian ng sarili at tuloy nagbubunga ng kabiguan sa buhay.

law4.2.gif (4734 bytes) BUHAY NA PINAGHAHARIAN NI CRISTO

Si Cristo'y nasa buhay at nasa trono.

Sarili ay wala sa trono.


Mga hilig at naisin na pinaghaharian ni Cristo ayon sa layunin ng Diyos.

Aling larawan ang kumakatawan ng iyong buhay?
Aling larawan ang ninanais mong kumatawan ng iyong buhay?
Ipinaliliwanag sa susunod na pahina kung paano tatanggapin si Cristo:

SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, MAAARI MONG TANGGAPIN SI CRISTO NGAYON DIN SA PANALANGIN. (Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Dios).

Alam ng Dios ang katayuan ng iyong puso at hindi Niya pinapansin ang paraan ng pagsasalita kundi ang nilalaman ng iyong puso. Ang sumusunod ay isang mungkahing panalangin lamang:

"Panginoong Jesus, kailangan kita. Salamat sa pagkamatay mo sa krus para sa aking mga kasalanan, Binubuksan ko ang aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Salamat po sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Ikaw po ang maghari sa trono ng aking buhay. Gawin Mo po akong isang taong namumuhay ayon sa lyong kalooban. Amen."

Ang panalangin bang ito ang nais ng iyong puso?

Kung gayon nga, idalangin ito ngayon din at si Cristo'y papasok sa iyong buhay, tulad ng Kanyang ipinangako.

Ngayong tinanggap mo na si Cristo. . .

KARAGDAGANG IMPORMASYON...